Nagbuga ng nakalalasok usok ang Bulkang Taal sa nakaraang 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Umabot sa 2,000 metrong taas ang ibinugang usok ng bulkan bago ipinadpad sa hilagang kanluran.

Nitong Hunyo, nagpakawala rin ito ng 7,680 toneleda ng sulfur dioxide na nagdulot ng vog o volcanic smog.

Naramdaman din ang isang pagyanig sa 24-hour observation period ng ahensya. Gayunman, inaasahang magpapatuloy pa ito sa mga susunod na araw.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Naobserbahan din ng ahensya ang upwelling ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake na senyales ng paglala ng pag-aalburoto nito.

Naitala rin ang pamamaga ng hilagang kanlurang bahagi ng Taal sa nakaraang 24 oras.

Ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa Taal Volcano Island (TVI), lalo na sa Main Crater at Daang Kastila fissures, at pananatili sa lawa ng bulkan.

Posible ring maranasan ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions, ashfall at pagbuga pa ng nakalalasong usok ng bulkan, dagdag pa ng Phivolcs.