Isang online post ng batikang manunulat at dating Kapamilya party-list nominee Jerry B. Gracio ang usap-usapan kamakailan matapos hikayatin ang followers na “tantanan na” ang karaniwang “all feelings are valid” na sentimiyento.

Bagaman umani ng sari-saring saloobin sa mga netizen, nananatiling nakapaskil pa ang kontrobersyal na post sa pag-uulat.

“Please, tantanan na 'yang ‘all feelings are valid.’ Pag nagalit ka nang walang dahilan, hindi 'yun valid. Pag nagselos ka nang walang batayan, hindi 'yun valid,” anang manunulat noong Lunes, Hunyo 5.

“’Pag nag-inarte ka dahil feeling mo maganda ka kahit pangit ka naman, hindi 'yun valid. 'Yung validation ng feelings ang ugat ng lahat ng inarte sa buhay,” pagtatapos niya.

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

Sa na ay nais pang panindigan ng manunulat ang punto dahilan para ilang tagasubaybay naman niya ang komontra sa kaniyang posisyon.

“Feelings are valid. But not all behaviour are valid,” anang tila isang kaibigan ni Gracio sa post.

“Yung full statement kasi is ‘All feelings are valid before the fact.’ Pero kailangan ianalyze ang feelings kung may basis sila, and then afterward, after we have established the facts kung valid nga o hindi yung feelings, we should behave/act/decide accordingly,” segunda ng isa pa sa komento.

“Lahat ng pakiramdam, may pinanggagalingan e. Alam mam natin ito o hindi at [hi]ndi natin ito nakokontrol. Lagi't lagi ang nagiging sukatan ay how you react to that feeling. Nagalit ka, so magdadabog at mananampal ka ng aso -hindi valid na reaction yun. Tama ang nararamdaman at wala namang masama. Pero ibang usapan sa reaction,” dagdag na paglalarawan ng isa pang follower.

Isang estudyante rin sa dalub-isipan ang nakigatong na sa saloobin ng mga naunang komento.

“All feelings are valid. The actions done because of the feelings are the ones open for an argument po,” pagsisimula niya.

“Pwede kang magalit, malungkot o ‘mag-inarte nang walang dahilan’, sir, fyi. People have struggles and worst, mental health problems na hindi basta-basta nailalabas kasi napaka-punyeta ng bansa natin when it comes to handling mental health issues,” pagpapatuloy niya.

“That, coupled with the obvious body shaming, kasi face-shaming IS body shaming is the reason kung bakit mas masarap mag suicide kesa mag-open up sa mental health struggles.”

Paghikayat pa ng netizen sa manunulat: “Think before you click and speak. Matanda na kayo for this kind of insensitivity. Also, yes, psych[ology] major po ako, in case sabihin niyong wala akong idea sa mga sinasabi ko.”

Matapos makatanggap ng pambabatikos, nitong Martes, Hunyo 6, ay nagpaabot ng kaniyang paumanhin si Gracio.

“Because I'm being called out for my remarks that not all feelings are valid, I want to sincerely apologize to those who were offended. Sorry, I was insensitive, your feelings are valid, ” aniya sa pamamagitan pa rin ng Facebook.

Sa huli, pinasalamatan naman ng ilang netizens ang manunulat matapos akuin at humingi ng dispensa kasunod ng naging viral post.