Sa pagpasok ng mga bagong Eat Bulaga hosts, kani-kaniyang isip na ang mga netizen kung ano na ang tawag sa trio nina Paolo Contis, Betong Sumaya, at Buboy Villar na nagsisilbing katumbas ng TVJ sa naturang longest-running noontime show na produced pa rin ng TAPE, Inc.

Alam naman ng lahat na ang TVJ ay sina dating senate president Tito Sotto III, Vic Sotto, at Joey De Leon.

Ang JoWaPao naman, na sinasabing inaasahan sanang magmamana ng "trono" ng TVJ kung sakaling hindi nangyari ang exodus, ay sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros.

At ngayong may bagong trio na ang Eat Bulaga, nagsulputan ang iba't ibang word coinage ng pangalan ng tatlo upang ipantapat sa TVJ, at kahit doon man lamang ay magkaroon daw sila ng sariling tatak.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

May nagmungkahing "PBB" raw pero tatak na kasi ito ng "Pinoy Big Brother" sa ABS-CBN.

May lumutang din na "PaBeBu" (word play ng Pabibo) o mula sa unang pantig ng mga pangalan nila.

May nagsabi ring dapat ay "BuLoTong" mula sa Bu ni Buboy, Lo ni Paulo, at Tong ni Betong.

Pero tingnan nga natin sa mga susunod na araw kung ano nga ba ang ipapangalan ng TAPE sa trio nila.