Kapulisan sa Central Luzon, nakasamsam ng ₱51M halaga ng iligal na droga sa loob ng mahigit 3 buwan
Camp Olivas, San Fernando, Pampanga -- Nakasamsam ng mahigit ₱51 milyong halaga ng iligal na droga ang police units sa Central Luzon simula Pebrero 23 hanggang Hunyo 4, 2023.
Iniulat ni Police Regional Office 3 Director PBGEN Jose S. Hidalgo Jr., nitong Martes, Hunyo 6, na nagsagawa ng 1,684 anti-illegal drug operations sa mga nabanggit na petsa.
Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng 2,407 na indibidwal, pagkakakumpiska ng 7,480.67 gramo ng umano'y shabu na may Dangerous Drug Board value na ₱50,868,602.24 at 6,138.23 gramo ng marijuana na may halagang ₱736,587.95 kasama ang 19 tableta ng ecstasy, 50 iba't ibang uri ng baril, at anim na pampasabog.
Sinabi rin ni PBGEN Hidalgo Jr. na mananatiling matatag ang bawat police units sa rehiyon laban sa iligal na droga, upang makamit ang drug-free communities.