Tiniyak ng bagong talagang kalihim ng Department of Health (DOH) na si Ted Herbosa nitong Miyerkules na matatanggap ng mga healthcare workers ang kanilang Covid-19 benefits.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Herbosa na makikipag-ugnayan ang DOH sa Department of Budget and Management (DBM) upang matugunan ang naantalang bayad para sa special risk allowance ng mga healthcare workers, na nagserbisyo noong kasagsagan ng pandemya ng Covid-19.

Pagtiyak niya, “I'll look into that. I’ll make sure lahat ng nagtrabaho at nagbigay ng serbisyo mabigay 'yung benefits nila."

Si Herbosa ay itinalaga bilang bagong kalihim ng DOH ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. noong Lunes lamang.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Noong Pebrero, una nang inamin ni dating DOH OIC at Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa 805,000 healthcare workers mula sa local at national government at maging sa pribadong sektor ang hindi pa nakatanggap ng kanilang mga allowance.