Bahagyang lumakas ang bagyong Chedeng habang ito ay nasa Philippine Sea nitong Miyerkules.

Sa kabila ng naranasang malakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa, wala pa ring inilalabas na storm warning signals ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa pagtaya ng PAGASA, posibleng lumakas pa ang bagyo sa susunod na tatlo hanggang apat na araw.

Posible ring umabot ito sa severe tropical storm category nitong Miyerkules ng gabi o Huwebes at typhoon category sa Huwebes ng gabi o Biyernes.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Huling namataan ang bagyo 965 kilometers east northeast ng Eastern Visayas, taglay ang hanging 85 kilometers per hour (kph) at bugso na hanggang 105 kph.

Malaki pa rin ang posibilidad na palakasin ng bagyo ang southwest monsoon o habagat sa mga susunod na araw.