Binata mula sa Laguna, kumubra na ng ₱55 milyong premyo sa PCSO
Binata mula sa Laguna, kumubra na ng ₱55 milyong premyo sa PCSO
Kinubra na ng binatang lucky winner ang kaniyang napanalunang ₱55 milyon sa Grand Lotto 6/55, ayon sa ulat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules, Hunyo 7.
Sa ulat ng PCSO, ang lucky winner mula sa San Pedro, Laguna ay tumataya na sa lotto sa loob ng halos isang dekada.
Noong Mayo 6, natuldukan na ang matagal na pagtaya nang matagumpay niyang nahulaan ang winning combination na 04-16-26-24-14-47 na may tumataginting na ₱55,394,255.40 na jackpot prize.
“Hindi po talaga ako nag-aalaga ng numero, ang katuwiran ko po kapag suwerte ka mananalo ka kahit isa lang ang itaya mo at ito nga po pinalad na po akong manalo ng jackpot sa mahigit na sampung taon na pagtangkilik ko sa lotto,” anang lucky winner sa kaniyang panayam sa PCSO.
Plano rin ng binata na magpatayo ng kaniyang dream house at para mapacheck-up ang kaniyang mga magulang. Plano rin umano nito na mag-business para sa kinabukasan ng kaniyang mga pamangkin.
Congratulations!