Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng South Cotabato nitong Martes ng gabi, Hunyo 6, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 8:07 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 5 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Santo Niño, South Cotabato, na may lalim na 18 kilometro.

Naramdaman ang Intensity III sa Banga at Norala, South Cotabato.

Samantala, naitala ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:

Metro

Pansamantalang pagbabago sa traffic sa NAIA 3, epektibo simula Hulyo 15

Intensity IV - Banga, South Cotabato

Intensity III -  Norala, City of Koronadal, South Cotabato

Intensity II - Alamada, Cotabato

Intensity I - Kiamba, Sarangani; Tantangan, South Cotabato; Bagumbayan, Esperanza, Sultan Kudarat

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.