Nagdulot ng katatawanan sa social media ang ibinahaging video ni Charlene Prado mula sa Tagum City, Davao del Norte na nagpapakita ng dalawang tray ng balut na kanilang binili upang sila na mismo ang maglaga at lantakan ito.

Makikitang pag-angat nila sa isang tray, tumambad sa kanilang harapan ang ilang mga maliliit na itik na napisa na mula sa itlog ng balut na kanilang binili.

"Gusto lang man unta mi magluto ug Balut," caption ni Charlene sa kaniyang Facebook post na nagpapakita ng kaniyang video.

Ayon sa panayam ng Balita kay Charlene, lumipas muna ang 13 araw bago nila napagtuunan ng atensyon na kunin ang mga balut sa tray nito upang magluto ng ilan.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nang hawak na nila ang mga tray, narinig na nila ang ingay mula sa ilalim na tray.

Nang angatin nga nila ang unang tray, nakila nila ang mga pisang balut at ang maliliit na itik o bibe.

"Kaya noong May 28, napag-isipan namin na lutuin na , pagkakuha ng kapatid ko sa trays ng itlog, may huni po raw ng sisiw, pero di ako naniwala kaya sinabi ko wait lang wag mo munang buksan, ibi-video ko."

"Unexpected po pero yung mga kapatid ko sinasabi na nila na baka malaki na raw ang sisiw sa balut, hindi na daw dapat ipagbili. Kaya laking gulat ko nung pagbukas na," aniya.

Hindi naman sila nagalit sa kanilang napagbilhan. Sa halip, inilagay nila sa isang lalagyanan ang mga itik. Nagkaroon pa tuloy sila ng instant alaga!

Sa panibagong FB post ay nagbigay ng updates si Charlene hinggil sa mga itik.

Umabot na sa 10k reactions, 18k shares, at 50 comments ang naturang viral FB post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!