Mismong talent manager na si Noel Ferrer ang sumagot kung totoo ba ang mga bulong-bulungang kasama sa bagong host ng "nagbabalik" Eat Bulaga ang alagang si Kapuso host/trivia master Kuya Kim Atienza.

Ayon kasi sa mga kumakalat na tsika, dahil nga may TikToClock si Kuya KIm, mapapanood lamang ang TV host na dating kabilang sa original host ng "It's Showtime," tuwing Sabado.

Bagay na pinabulaanan naman ni Noel sa kaniyang Instagram post.

"THANK YOU FOR KEEPING @kuyakim_atienza TOP OF MIND IN PREMIERE HOSTING PLATFORMS (because he certainly works hard and delivers very well in all of them) - but we’d like to clarify that HE CANNOT DO THE EAT BULAGA REPLACEMENT SHOW as it conflicts with his prior commitment with the daily program “TIKTOCLOCK” (which is also performing very well in the ratings) produced by GMA Network where Kim is contracted as an exclusive talent."

National

SP Chiz, pinatutsadahan si Guo: 'Wala siya sa lugar...'

"THANK YOU VERY MUCH & HAPPY MONDAY EVERYONE!!! #LetGodGuideOurWay #ForeverGrateful," dagdag pa ni Noel.

Mababasa rin ito sa artikulong "PEP Troika" ng Philippine Entertainment Portal o PEP.