Pinuri ni dating Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na italaga si Ted Herbosa bilang bagong kalihim ng Department of Health (DOH).
“Dr.Ted Herbosa is a good choice for DOH Secretary,” pahayag ni Guanzon sa kaniyang Twitter post nitong Martes, Hunyo 6.
“Finally, BBM listened to the fairies not the witches,” saad pa niya.
Matatandaang inanunsyo ng Malacañang nitong Lunes, Hunyo 5, ang pagtalaga kay Herbosa bilang kahilim ng DOH, halos isang taon matapos iwanang bakante ang puwesto.
Nagsilbi ang doktor na si Herbosa, isang doktor sa propesyon, ay nagsilbi bilang isang espesyal na tagapayo ng National Task Force laban sa Covid-19.
MAKI-BALITA: PBBM, itinalaga dating Covid-19 task force adviser bilang bagong DOH chief