Matapos sumalang sa "lie detector test" vlog ni Bea Alonzo, ang Kapuso star naman ang kumasa sa panayam ni Mariel Rodriguez-Padilla na mapapanood sa kaniyang &t=748s">vlog.
"Two Truths and a Lie" ang pamagat dito ng misis ni Sen. Robin Padilla.
Nakakaloka ang isa sa mga rebelasyon ni Bea na may isa raw siyang ex-boyfriend na walang mintis na ipinagpapatimbang siya gamit ang weighing scale upang malaman kung nadagdagan na naman siya ng timbang! As in araw-araw daw ito.
Natanong kasi ni Mariel si Bea tungkol sa kaniyang dating experiences kung saan huhulaan nila kung ano ang "lie" sa tatlong detalyeng babanggitin nila.
"Meron akong naging jowa na pinagwe-weighing scale ako almost everyday just to check if I'm heavier," ani Bea.
Kitang-kita naman ang paglamukot ng mukha ni Mariel nang marinig ito.
Ang dalawang detalye na binanggit ni Bea ay nireject niya ang isang naka-blind date na may namuong laway sa gilid ng kaniyang bibig, at pangalawa naman, may ex siyang hiniwalayan sa araw ng birthday nito.
Ang pangatlong pahayag ang "lie" sa mga sinabi ni Bea, which means to say, totoong nagkaroon siya ng ex na pinagtitimbang siya halos araw-araw upang malaman kung bumigat na siya.
Hindi naman pinangalanan ni Bea kung sino si "Mr. Weighing Scale" at nag-proceed na sila kaagad sa susunod na paksa.