Sa kauna-unahang pagkakataon, una sa mundo ang bansang Sweden na kumilala sa pagtatalik bilang isang sport. Romansahan, may championship pa!
Ito’y ayon sa verified sports news website na SportsTiger kamakailan kung saan isang Swedish Sex Federation umano ang mangunguna sa kakaibang palakasan.
Sa ngayon, ilang detalye na ang kumalat kabilang ang petsa ng unang European Sex Championship na natukoy nang ika-8 ng Hunyo, tatakbo ito ng ilang linggo at lalahukan ng nasa 20 kinatawan ng iba’t ibang bansa.
Dagdag ng isang hiwalay na ulat, matutukoy ang winners sa naturang sport sa pamamagitan ng tatlong hurado at audience rating, 70 porsyento ang sasakupin ng una habang 30 porsyento naman ang bahagi ng huli.
“The contestants of the European Sex Championship will compete in 16 disciplines, including seduction, oral sex, penetration, appearance, etc,” dagdag nito.
Sa huli, naniwala naman ang Swedish Sex Federation na si Dragan Bratych na esensyal nang kilalanin bilang sport ang pakikipagtalik dahil sa “creativity, strong emotions, imagination, physical fitness, endurance, and performance” na kinakailangan sa aktibidad.