Bibigyan na ng financial assistance ang mga magbababoy na naapektuhan ng African swine fever (ASF) sa Negros Occidental.

Ito ang tiniyak ni Governor Eugenio Jose Lacson at sinabing kukunin ang tulong pinansyal sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng kanilang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

Nasa ₱4 milyon aniya ang paunang inilaan na financial assistance sa lalawigan.

Gayunman, hihintayin muna ng pamahalaang panlalawigan ang deklarasyon ng Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry (DA-BAI) hinggil sa sitwasyon ng ASF.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Matatandaang isinapubliko ng provincial government na naitala nila ang unang kaso ng ASF sa Pulupandan nitong Mayo 23.

Glazyl Masculino