ILOILO CITY – Lumitaw ang mga hinihinalang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa Hamtic, Antique province matapos mamatay ang ilang baboy sa walong barangay sa munisipyo.

Ang mga baboy na ito ay namatay sa Barangay Calala, Caridad, EBJ (Lanag), Funda, Guintas, Poblacion II, Poblacion III, at Pu-ao.

Bagama't walang isinagawang pagsusuri upang matukoy ang sakit, naglabas si Mayor Julius Pacificador ng executive order na nagbabawal sa transportasyon, pagpatay, at pagbebenta ng karne ng baboy at mga produktong baboy sa bayan.

Dahil sa mga pagkamatay, ang lokal na pamahalaan ng Hamtic ay nagpapatupad ng 14 na araw na quarantine upang imbestigahan ang mga posibleng sanhi ng kamatayan at upang mabawasan ang pagkalat ng sakit.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Matapos makumpleto ang quarantine period, ang Antique Provincial Veterinary Office ay kukuha ng mga sample ng dugo mula sa mga baboy para sa pagsusuri.

Tiniyak ni Chief Provincial Veterinarian Dr. Florencio Macuja sa publiko at mga hog raisers na walang dahilan para mag-panic.

“We still don’t have that laboratory test result to prove that the final diagnosis that it is ASF affecting those swine causing deaths in the municipality of Hamtic,”sabi ni Macuja.

Nauna nang iniulat ng Department of Agriculture (DA)-6 na ang Antique ang tanging lalawigan sa rehiyon ng Kanlurang Visayas na walang kaso ng ASF.

Basahin: Antique, nag-iisang lalawigan sa Western Visayas na walang kaso ng ASF – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tara Yap