Pati ang senador na si JV Ejercito ay nagbigay na rin ng reaksiyon at komento sa bagong line-up ng hosts sa longest-running noontime show na "Eat Bulaga," na muling umere nang live ngayong Lunes, Hunyo 5, 2023.

Kagaya ng karamihan sa netizen, inirekomenda ng senador na lagyan ng "name plates" ang ilan sa bagong hosts na hindi niya tinukoy kung sino o sino-sino.

Naniniwala rin si Sen. JV na mahirap tapatan ang TVJ at iba pang original hosts nitong sina Allan K, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, at iba pa.

"The “new” Eat Bulaga!"

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

"Parang kailangan nila lagyan ng name plates ang ibang talents."

"Mahirap ata tapatan TVJ, Alan K, Pao, Jose & Wally, etc…"

"Eat Bulaga is really TVJ," anang tweet ni Ejercito.

https://twitter.com/jvejercito/status/1665582004476456960

Sa kabilang banda, sa isa pang tweet ay sinabi ng senador na hindi ito sapat na dahilan upang i-bash ang bagong hosts dahil trabaho lang naman ito para sa kanila.

"But we shouldn’t bash the talents of the new EB."

"Hanapbuhay nila as talents," aniya.

https://twitter.com/jvejercito/status/1665603956460998657

Sey naman ng netizens, puwede naman daw kasing tumanggi lalo na't ang pinag-uusapan na raw dito ay "delicadeza," kagaya na lamang ng naging sagot ni 24 Oras Chika Minute segment host Iya Villania.

Aniya, willing siyang maging host ng bagong noontime show subalit kailangang palitan muna ang pangalan nito, dahil ang Eat Bulaga ay associated na sa TVJ, at ang TVJ raw ay ang Eat Bulaga.

MAKI-BALITA: Sparkle artists na isasabak sa bagong Eat Bulaga, lagyan daw ng name plate