Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Lunes, Hunyo 5, ang status ng Bulkan Mayon sa Alert Level 2 dahil umano sa pagtaas ng rockfall events mula sa tuktok ng bulkan.

Ayon sa Phivolcs, mula umano noong nakaraang linggo ng Abril ngayong taon, nagkaroon ng pagtaas ng rockfall mula sa summit lava dome ng Bulkang Mayon na nagpapahiwatig ng aseismic growth.

“This means that there is current unrest driven by shallow magmatic processes that could eventually lead to phreatic eruptions or even precede hazardous magmatic eruption,” anang Phivolcs.

Tumaas umano ang dalas ng rockfall mula sa dating average na 5 events kada araw hanggang sa 49 events kada araw mula 5:00 ng umaga nitong Hunyo 4 Hunyo hanggang 5:00 umaga nitong Hunyo 5.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“As of 9 May 2023, the lava dome has increased in volume by approximately 83,000 m3 since 03 February 2023 and a total of nearly 164,000 m3 since 20 August 2022,” anang Phivolcs.

Dahil sa pagtaas ng Alert Level status ng Bulkang Mayon, mariin umanong pinagbabawalan ang publiko na pumasok sa anim na kilometrong (6 km) radius sa Permanent Danger Zone maging ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.

“In case of ash fall events that may affect communities downwind of Mayon’s crater, people should cover their nose and mouth with a damp, clean cloth or dust mask,” anang Phivolcs.