CANDELARIA, Quezon -- Dead on the spot ang isang 57-anyos na welder matapos mabangga ng isang sports utility vehicle ang kanyang motorsiklo nitong Linggo, Hunyo 4, sa kahabaan ng Candelaria by-pass road sa Barangay Pahinga Norte sa bayang ito.

Sa ulat ng Candelaria police, kinilala ang biktima na si Zosimo de La Cruz, residente ng Barangay Piisa, Tiaong, Quezon.

Iniwan ng hindi pa nakikilalang driver ang kanyang Toyota Land Cruiser na may plate number na XJA-958 sa lugar kung saan nangyari ang aksidente.

Pa-norte ang biktimang sakay ng kanyang motorsiklo nang masagasaan ito ng kasalubong na SUV na biglang pumasok sa mismong lane na binabaybay ng biktima.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nagtamo ng matinding sugat sa ulo at katawan ang biktima at dead on the spot.

Sinusuri na ngayon ng pulisya ang pagkakakilanlan ng driver na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property na isasampa sa prosecutor’s office.