Kinilala ng Guinness World Records (GWR) si Taylor Swift bilang nag-iisang nabubuhay na artist na nakapagtala ng 10 albums nang sabay-sabay sa US Billboard 200 chart, bagay na na-achieve umano ng singer-songwriter dalawang beses ngayong taon.

Sa ulat ng GWR, nakuha ni Taylor, 33, ang record na “most simultaneous albums on the US Billboard 200 (living artist)” nang dalawang beses, una ay noong Marso 4, at ang huli ay nito lamang Mayo 6.

Nakamit umano ni Taylor ang record nitong Mayo sa pamamagitan ng mga sumusunod na posisyon sa US Billboard 200 chart:

    ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

  • folklore: The Long Pond Studio Sessions (No.3)
  • Midnights (No.4)
  • Lover (No.10)
  • folklore (No.12)
  • 1989 (No.21)
  • reputation (No.22)
  • Red (Taylor’s Version) (No.27)
  • evermore (No.29)
  • Fearless (Taylor’s Version) (No.41)
  • Speak Now (No.66)

Samantala, para sa pagkamit ni Taylor ng naturang record noong Marso, nasa chart pa rin daw ang naturang mga album maliban sa “folklore: The Long Pond Studio Sessions”, dahil sa buwang ito’y kinumpleto ng listahan ang kaniyang album na “Lover: Live from Paris” sa No.58.

“Only three other artists in history have had at least 10 of their albums simultaneously on the US Billboard 200 chart – Whitney Houston in 2012 and Prince and David Bowie, both in 2016 – but these have all happened posthumously,” anang GWR.

Bukod sa naturang record, nakamit na rin ni Taylor ang iba pang record breaking titles tulad ng “most streamed album on Amazon Music in 24 hours” (7.97 million para sa Midnights noong Oktubre 2022) at ang “most Top 10 hits on the US Hot 100 (female)” na may 40 simula sa "Change" noong 2008 hanggang sa 10 niyang kanta mula sa Midnights, kasama ang No.1 na "Anti-Hero" noong 2022.