Isinapubliko ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na umabot na sa ₱200 milyon ang premyo sa gaganaping UltraLotto 6/58 draw nitong Linggo ng gabi.

Dahil dito, hinikayat ng PCSO ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlet sa kanilang lugar at tumaya na sa pag-asang mapanalunan ang nasabing premyo.

Bukod dito, nasa ₱15.8 milyon naman ang premyo ng SuperLotto 6/49 maaaring mapanalunan ngayong Sunday draw.

Matatandaang dalawa ang nanalo sa draw ng 6/58 UltraLotto nitong Disyembre 30, 2022 kung saan umabot sa ₱521 milyon ang jackpot nito.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nahulaan ng dalawa ang winning combination na 01-23-15-03-08-05.

Sa pahayag ng PCSO, ang dalawa ay taga-Davao City at Tacloban City sa Leyte.

Binobola ang UltraLotto 6/58 tuwing Martes, Biyernes at Linggo habang ang SuperLotto 6/49 draw ay tuwing Martes, Huwebes at Linggo.