Lucena City, Quezon -- Natagpuang patay sa banyo ng old-custodial facility sa Dalahican provincial road, Barangay Mayao Crossing sa lungsod na ito ang isang umano'y suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang walong taong-gulang na batang babae nitong Linggo madaling araw, Hunyo 4.

Batay sa ulat ng Lucena City police alas-12:45 ng madaling araw nang madiskubre ng isang preso ang suspek na si Julius Rodas, 19, na tumawag sa atensyon ng duty custodial facility at nakipag-ugnayan sa City Disaster Risk Reduction Management Office- Emergency Response Team (ERT) at ipinadala sa Quezon Medical Center ngunit patay na.

Si Rodas ay inaresto ng Lucena City police dahil siya ang pangunahing suspek sa panggagahasa sa pagpatay sa isang 8-taong-gulang na batang babae na ang bangkay ay natagpuan sa isang bakanteng lote sa Barangay Gulang-gulang noong Mayo 31.

Nagkataon na ang suspek ang nagsumbong sa mga opisyal ng barangay na nakakita sa bangkay ng paslit, ngunit ito pala ang suspek base sa nakalap na CCTV ng mga pulis.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

Ayon sa pulisya, inamin ng suspek na siya ang gumawa ng krimen matapos mag-rugby.

Gayunpaman, hindi naniwala ang ama ng suspek sa alegasyon ng krimen dahil may mild mental problem umano ang anak.