Nagpahayag ng pakikiramay si Pope Francis nitong Sabado, Hunyo 3, sa nangyaring banggaan ng tren sa bansang India, at ipinagdasal ang mahigit 200 na naging biktima nito.

Sa ulat ng Agence France-Presse, sinabi ng pope na labis siyang nalulungkot sa pagkawala ng buhay ng daan-daang indibidwal dahil sa insidente.

"Entrusting the souls of the deceased to the loving mercy of the Almighty, (Pope Francis) sends heartfelt condolences to those who mourn their loss," ani senior Vatican cardinal Pietro Parolin sa isang telegrama na naka-address sa apostolic nuncio sa India, Leopoldo Girelli.

"His Holiness likewise offers prayers for the many injured and for the efforts of the emergency service personnel," saad pa nito.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Matatandaang tatlong tren ang nagsalpukan sa Odisha, Eastern India noong Biyernes, Hunyo 4, na nagdulot ng pagkasawi ng 288 indibidwal.

Minarkahan ang insidente bilang “deadliest rail accident” sa India sa mahigit 20 taon.