Walang namamataang sama ng panahon sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) sa kabila ng nararanasang pag-ulan sa bansa.

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo ng gabi, kahit sa PAR ay walang namumuong low pressure area (LPA) o bagyo.

Nauna nang inihayag ng PAGASA na posibleng pumasok sa bansa ang isa hanggang dalawang bagyo ngayong Hunyo at inaasahan pang 14 ang papasok sa PAR ngayong 2023.

Sa ngayon, naaapektuhan pa ng southwest monsoon o habagat ang western section ng bansa kung saan inaasahan magdudulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.