BATANGAS - Patay ang isang miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) matapos pagbabarilin ng isang lalaki sa harap ng kanyang misis sa kanilang mini-grocery sa Barangay San Miguel, Santo Tomas City nitong Sabado ng gabi.

Sa paunang report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), kinilala ang biktima na si Leonardo Caronan, 43. nakatalaga sa BJMP-Cabuyao City, Laguna, at taga-Villa De Pio Subdivision sa nasabing lungsod.

Kaagad namang tumakas ang suspek na nakasuot ng itim na jacket at light-colored pants, sakay ng motorsiklo matapos isagawa ang krimen.

Isasara na sana ng mag-asawa ang kanilang mini-grocery nang biglang dumating ang suspek lulan ng motorsiklo at pinaputukan ang biktima, dakong 8:00 ng gabi.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

Dead on arrival na sa ospital si Caronan dahil sa mga tama ng bala, ayon sa pulisya

Tinutukoy pa ng pulisya ang suspek at motibo nito sa krimen.