Nagpapasaklolo na sa gobyerno ang mga magbababoy dahil sa epekto ng African swine fever (ASF) sa kanilang kabuhayan.

Sa panayam sa radyo nitong Linggo, humihiling si National Federation of Hog Farmers Inc. (NFHFI) President Chester Tan, sa pamahalaan na i-subsidize o sagutin ang kalahati ng kanilang gastos sa pagpapabakuna ng kanilang baboy laban sa ASF.

Malaking tulong aniya ito sa kanilang hanay, lalo na sa maliliit na magbababoy dahil sa mataas na halaga ng bakuna.

“Sana hindi maging totoo ito presyong P400 to P600. Napakamahal po. Hindi na ito affordable tsaka hindi na siya ganun ka-feasible. Kapag ganyan ang amount, ay baka hindi na gumamit imbes gusto ng lahat ay gumamit eh napakataas ng presyo,” ani Tan.

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

“Ang hinihiling namin sa ating gobyerno, na sana magkaroon ng subsidy. Kung hindi man libre, sana ma-absorb nila...ma-shoulder nila 'yung kahit na 50% sa commercial farms," dagdag pa ni Tan.