Unti-unti nang gumagawa ng sarili nilang pangalan sa larangan ng musika ang indie band na 'Similar Sky.'

Ang naturang banda na itinatag lamang noong 2019 ay binubuo ng mga miyembro nitong sina Ion Bulawin sa vocals, Hana Joyner bilang lead guitarist, Lyndone Valenzuela sa synths/keys, Karl Santos sa synths/bass, at Matthew De Guzman sa drums.

Pinagsama-sama nila ang kanilang mga talento upang makabuo ng mga awiting akma at tatagos sa puso ng mga tagapakinig.

Ilan lamang sa mga awiting binuo at inawit ng grupo ay ang mga sumisikat na awiting ‘Panandalian,’ na pumupukaw sa damdamin ng mga taong dumaranas ng pagsubok sa kanilang relasyon at ang ‘Di bale na lang,’ na tungkol naman sa isang taong naghihintay ng tamang taong magmamahal sa kanya.

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

Bukod sa paggawa ng magaganda at nakakaantig ng pusong mga awitin, abala na rin sa ngayon ang Similar Sky sa pagdalo sa iba’t ibang gig at mga pagtatanghal sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ilan sa mga aktibidad na nakahanay sa ngayon para sa Similar Sky ay ang Rakrakan Festival na gaganapin sa Clark Global City sa Pampanga, sa Hunyo 10-11, 2023, kung saan makakasama nila ang mga sikat na mang-aawit at mga banda kabilang sina Kean Cipriano, Rico Blanco, Siakol, Chocolate Factory, Mayonnaise, at marami pang iba.

Kalahok rin naman ang Similar Sky sa mga bandang magtatanghal sa Cast Away Music Festival na gaganapin sa Open Parking D ng SM City Baliwag sa Hunyo 25, kung saan makakasama nila ang mga grupong Silent Sanctuary, Dotty’s World, Leona, at Sandiwa.