Pinalawig pa ng Department of Health (DOH) ang kanilang Measles, Rubella and bivalent Oral Poliovirus Supplemental Immunization Activity (MR-bOPV SIA) sa ilang lalawigan at lungsod sa Ilocos Region, hanggang sa Hunyo 15, 2023.

Ito’y upang masakop at mabakunahan pa ang mga natitirang unvaccinated children sa rehiyon at makamit ang 95% MR immunization coverage upang maiwasan ang posibleng pagkakaroon ng outbreak ng sakit.

Sa datos ng DOH nitong Hunyo 2, 2023, ang Ilocos Region ay nakapagtala lamang ng kabuuang 87% MR coverage (362,850 vaccinated out of 416,762) at 82% (157,074 out of 190,603 target) para sa OPV vaccination sa mga priority areas, base sa unofficial quick count na isinagawa ng regional office.

Pagdidiin naman ni Assistant Regional Director Rodolfo Antonio Albornoz, ang vaccination drive ay palalawigin lamang sa Pangasinan, La Union at Ilocos Norte dahil hindi nila nagawang maaabot ang 95% target rate, nang matapos ang kampanya nitong Mayo 31, 2023
National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'