Kinilala ng Guinness World Records (GWR) ang “adorable dog” na si Zoey mula sa USA para sa titulong “longest tongue on a living dog” dahil umano sa kaniyang dila na mas mahaba pa sa lata ng soda.

Sa ulat ng GWR, may habang 12.7 cm 5 inches ang dila ni Zoey, isang labrador/German shepherd mix, mula sa Metairie, Louisiana, USA.

Ayon sa fur parents na sina Sadie at Drew Williams, akala nila’y mapaglalakihan ni Zoey ang kaniyang mahabang dila, ngunit sa paglipas daw ng panahon ay nagsisimula nang magkomento ang ibang tao sa kung gaano kahaba ang dila niya.

“She still has an enormous tongue compared to her body,” ani Sadie.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Kinupkop daw nila ang 3-year-old nang si Zoey noong anim na linggo pa lamang siya. Ayon kay Drew, mas nahahalata ang kahabaan ng dila ni Zoey tuwing naglalaro ito sa labas o humihingal.

“It would be slobbering all over the place,” ani Drew. “So sometime last year we took her to the vet and measured her tongue.” 

“Sadie’s tongue was measured from the tip of her snout to the tip of her tongue, revealing a licker that would soon be recognized as the longest,” saad naman ng GWR.

Ang record-breaking accomplishment ni Zoey ay nangyari halos tatlong buwan matapos umanong makuha ang naturang record ng asong si Bisbee na may dila namang nasa 9.49 cm (3.74 in) ang sukat.