Nasa ₱42.7 milyong jackpot ang paghahatian ng dalawang nanalo sa isinagawang 6/42 lotto draw nitong Sabado ng gabi.

Isinapubliko ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na kabilang sa nanalo ang isang taga-Pampanga at Laguna.

Nahulaan ng dalawang mananaya ang six-digit winning combination na 10-03-12-20-07-28 na may katumbas na premyong ₱42,751,862.80.

Nabili umano ng dalawang mananaya ang kanilang ticket sa Sto. Niño Public Market sa Guagua, Pampanga at sa Langgam, San Pedro, Laguna.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Pinayuhan naman ng PCSO ang dalawang nanalo na magtungo na lamang sa main office ng ahensya sa Mandaluyong City upang makubra ang premyo.

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.