Usap-usapan ang ginawa ng mag-partner na sina "It's Showtime" hosts Vice Ganda at Ion Perez matapos nilang maghalikan at magpaulan ng "dirty finger" para sa kanilang bashers, sa naganap na concert ng una.

Naganap ito sa sold-out comedy-concert niyang “Your Memejesty Queen VG” sa Smart Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City nitong Hunyo 2. Nakasama ni Meme si Ion sa kaniyang performance bago ang kanilang sweet moment.

Bago sweet scene ng magjowa, nagbigay muna ng mensahe si Vice para kay Ion.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

"Let's not f*cking care... What you are, what I am and what we have is just so amazingly beautiful. So let's not be bothered by their noise. Let them drown in their own voice. Let's just continue to love so loud and proud," sabi niya, na tamang-tama sa pagdiriwang ng Pride Month ngayong Hunyo.

"Whatever happens, wherever it takes, at the end of the day, love wins," dagdag pa ni Vice sabay halik sa labi ni Ion.

Habang magkalapat ang mga labi, itinaas nilang pareho ang mga kamay at nag-dirty finger sa audience, para daw sa kanilang bashers. Naghiyawan at nagpalakpakan naman ang audience, kabilang ang It's Showtime co-host at kaibigang si Anne Curtis.

Ibinahagi ito ni Darla Sauler sa kaniyang social media accounts na Twitter at TikTok.

Samantala, masayang-masaya naman si Vice dahil sold-out ang kaniyang concert.

“Naiyak ako. 10th Araneta concert na punong-puno. I am so blessed. Hindi lahat nakakapag-ten Araneta concerts di ba? Maraming, maraming, maraming salamat. My heart is full of joy. I am overwhelmed tonight,” saad ni Vice Ganda sa kaniyang opening spiels.

Nagbabala na si Vice na ang kaniyang concert ay malayo sa concerts nina Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid at Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

"Ang show po ngayong gabi ay rated SSSSSSPG – Super, Super, Super, Sobra, Sobrang Strict na Parental Guidance. Sa mga hindi handa, sa mga conservative, sa mga very sensitive, sa mga politically correct, sa mga balat-sibuyas binibigyan ko kayo ng sampung segundo para tumayo at para mag-refund,” biro ni Vice.