Tatlong daan siyamnapu't isang libong dosis ng donated bivalent Covid-19 vaccines ang darating sa Pilipinas ngayong Sabado ng gabi, Hunyo 3, sabi ng Department of Health (DOH).

"Ang inaasahang pagdating ng donated bivalent Covid-19 vaccines [ay] mamayang gabi, June 3, bandang 10 p.m.," sabi ng DOH sa isang pahayag na inilabas nitong Sabado.

Ang bivalent jabs ay ibibigay bilang ikatlong booster dose para sa mga indibidwal na may edad na 18 taong gulang pataas na kabilang sa mga priority group na A1 (health worker) at A2 (senior citizen) nang hindi bababa sa apat hanggang anim na buwan pagkatapos ng inoculation na may pangalawang booster dose.

Ang pilot roll-out, ayon sa DOH, ay isasagawa sa mga piling ospital at pasilidad pangkalusugan, ngunit wala pa silang tiyak na target kung kailan ito magsisimula.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

"Sa sandaling dumating ang mga bakuna, ang mga ito ay mapapadali para sa transportasyon sa iba't ibang mga rehiyon at mga operating unit para sa pagpapatupad at paglulunsad," sabi ng departamento ng kalusugan.

Charie Mae F. Abarca