Nasa P480,000 halaga ng school at office supplies ang napinsala sa sunog na tumupok sa isang general merchandise store sa Recto Avenue sa Binondo, Maynila nitong Sabado, Hunyo 3.

Nagsimula umano ang sunog sa 3rd floor ng Pam Building, 864 Sun City sa Claro M. Recto Avenue corner Sto. Cristo Street.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), itinaas ang sunog sa unang alarma alas-10:30 ng umaga at sa ikalawang alarma alas-10:49 ng umaga.

Nakontrol ang sunog alas-11:45 ng umaga at naapula alas-12:27 ng tanghali.

National

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD), walang ibang establisyimento na naapektuhan.

Sinabi rin nito na walang naiulat na nasaktan sa insidente.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog, sabi ng mga awtoridad. 

Richielyn Canlas