Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang probinsya ng Sulu nitong Sabado ng madaling araw, Hunyo 3, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 1:40 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 13 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Hadji Panglima Tahil, Sulu, na may lalim na 19 kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa Jolo, Sulu, habang Intensity III sa City of Zamboanga

National

Sen. Imee sa target na '12-0 win' ng Alyansa: 'Di ko alam, 'di naman tayo forecaster!'

Naitala naman ang instrumental Intensity II sa City of Zamboanga.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.