Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang probinsya ng South Cotabato nitong Sabado ng hapon, Hunyo 3, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 4:39 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 7 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Lake Sebu, South Cotabato, na may lalim na 7 kilometro.

Naitala ang instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Politics

Matapos ang eleksyon, mensahe ni PBBM: 'Put all the politics aside'

Intensity IV - Norala at Lake Sebu, SOUTH COTABATO

Intensity III - Kiamba, SARANGANI; Suralla at Koronadal City, SOUTH COTABATO; Bagumbayan at Isulan, SULTAN KUDARAT

Intensity II - General Santos City, Tampakan, at Tantangan, SOUTH COTABATO; President Quirino at Esperanza, SULTAN KUDARAT

Intensity I - Don Marcelino, DAVAO OCCIDENTAL; Malungon at Maasim, SARANGANI; Kalamansig, SULTAN KUDARAT

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol, ngunit posible umanong magdulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.