Nilinis ng mga tauhan ng Coast Guard ng Pilipinas, United States at Japan ang Manila Baywalk Dolomite beach sa Roxas Boulevard, Maynila nitong Hunyo 2.
Ito ay may kaugnayan sa isinasagawang trilateral maritime exercises ng tatlong bansa sa Mariveles, Bataan.
Sa Facebook post ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Sabado, kabilang sa akibahagi sa coastal cleanup activity ang mga tauhan ng USCGC Stratton at barkong Akitsushima ng Japan CG.
Isinagawa ang nasabing hakbang upang tumatag pa ang pagkakaibigan ng tatlong bansa at mapanatilli na rin ang malinis at ligtas na karagatan.
Layunin ng maritime drills na mapalakas pa ang "interoperationability" ng Coast Guard ng tatlong bansa, sa pamamagitan ng communication exercises, maneuvering drills, photo exercises, maritime law enforcement training, search and rescue at passing exercises.
Ang naval drills ay sinimulan nitong Hunyo 1-7.