Marami ang naantig sa post ni Diana, 19, mula sa Taguig City tampok ang ginawa ng kaniyang 14-anyos na nakababatang kapatid na nagkamit ng karangalang With Honors, kung saan isinabit niya ang kaniyang medalya sa kaniyang pusa na tinuturing niyang “lucky charm.” 

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Diana na bago pa man matapos ang school year ng Grade 8 niyang kapatid na si Jared, tuwing may quizzes, exams, at competitions umano ito sa school ay palagi niyang pinupuntahan ang kaniyang pusang si “Bunjing” para i-kiss at yakapin.

“Naniniwala po kasi siya na may swerte ang pusa and lalo na ang pusa namin, kasi simula po nung inampon namin siya naging masaya na yung bahay namin and maraming blessings po ang dumating,” kuwento ni Diana.

“May tindahan po kasi kami tapos po madalas na pong maiwan sa bahay yong kapatid ko kaya po silang dalawa lang po ang naiiwan sa bahay kaya mas naging close po silang dalawa,” saad pa niya. 

Human-Interest

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?

Kaya naman pagkatapos na pagkatapos daw ng recognition nina Jared sa school kung saan nakatanggap siya ng medalya para sa With Honors ay dumiretso na raw siya sa kanilang rooftop para sabitan ng medalya si Bunjing.

“Siya raw ang lucky charm niya kaya siya nagkahonor❤,” ani Diana.

Marami naman ang naantig nang i-post ito ni Diana sa Facebook group na “CATS & KITTENS PHILIPPINES.”

Sa ngayon ay umabot na ang kaniyang post sa mahigit 3,000 reactions, 84 comments, at 167 shares.

"Congratulations, Bunjing and your hooman 🥰🐾🐈🙏🏻," komento pa ng isang netizen.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!