Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang probinsya ng Masbate nitong Sabado ng hatinggabi, Hunyo 3, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 12:22 ng hatinggabi.

Namataan ang epicenter nito 13 kilometro ang layo sa timog-silangan ng City of Masbate, Masbate, na may lalim na 12 kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV - City of Masbate, Masbate, habang Intensity III sa Aroroy, Batuan, Mobo at Milagros, Masbate

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Naitala naman ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity IV - City of Masbate, Masbate

Intensity III - Aroroy, Milagros, at Monreal, Masbate

Intensity I - City of Legazpi, Albay

Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa kalapit na lugar sa posibleng aftershocks ng lindol.

Inaasahan din umanong magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.