Tinututukan na ng Land Transportation Office (LTO) ang problema sa kakulangan ng plastic card para sa driver's license, gayundin ang backlog sa plaka ng mga sasakyan.

Ito ang inihayag ni LTO-National Capital Region chief, Roque Verzosa III, at sinabing gumagawa na ng hakbang ang bagong upong hepe ng ahensya na si Hector Villacorta upang tugunan ang usapin.

“Kami ngayon ay nagtutulungan upang matugunan ang mga isyu at hamon na kinakaharap ng sektor ng transportasyon. Nakikipagtulungan kami ngayon upang makahanap ng mga solusyon na naglalayong tiyakin ang isang accessible, abot-kaya, komportable, at ligtas na karanasan sa paglalakbay para sa riding public,” anang opisyal.

Matatandaang inulan ng batikos ang LTO dahil sa pagpapalabas ng papel na driver's license dahil sa kakulangan ng gagamiting plastic card.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists