Nagpahayag ng pakikisimpatya ang "It's Showtime" hosts na sina Anne Curtis at Kim Chiu sa naganap na pagbibitiw ng TVJ at iba pang Eat Bulaga hosts sa longest-running noontime show at mahigpit nilang karibal sa noontime.

MAKI-BALITA: ‘What’s next?’ TVJ emosyunal na nagpaalam, kumalas na sa TAPE, Inc.

Nakapanayam si Anne sa renewal of contract niya bilang National Ambassador ngUnited Nations International Children's Emergency Fund o UNICEF noong Hunyo 1, kasama ang kapwa ambassador na si Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Ani Anne, kahit magkaribal sila bilang noontime show ay hindi mawawala ang paggalang at pag-idolo nila rito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"You know, we will always look up to 'Eat Bulaga.' They are the longest-running (noontime show) in the Philippines, and I mean what a journey they have been throughout the years. We will always Idolize them because they have set a benchmark for noontime variety shows,'' ani Anne.

Si Kim naman, nakapanayam sa media conference ng kaniyang bagong endorsement.

“Change is nandiyan talaga 'yan, eh. Parang hindi naman natin mababago 'yan. And then 'yung, high respect ng bawat isa sa TVJ is really there, kahit saan man sila mapunta or kung anuman."

"Walang tao na hindi nakakakilala sa kanila. Sobrang taas po ng respeto natin sa kanila," ani Kim na hindi raw itinuturing na "kalaban" ang Eat Bulaga.

MAKI-BALITA: Iba pang hosts ng Eat Bulaga, kumalas na rin sa TAPE, Inc.