Usap-usapan ang "bed scene" sa isang eksena sa "Voltes V Legacy" kung saan makikitang nakahiga sina Prince Zardoz, na ginagampanan ni Martin Del Rosario, at ni Zandra sa pagganap naman ni Liezel Lopez.

Pumalag ang Voltes V fans dahil wala naman daw sa original anime version ang bed scene na iyon, kaya kinukuha nila ang atensyon ng GMA maging ng headwriter nitong si Suzette Doctolero.

Kumalat tuloy ang isang meme kung saan tila 'nagagalit' ang anime character ni Prince Zardoz dahil sa eksenang iyon sa bersyon mga Pinoy.

“Mga walang hiya. Bakit ako may bed scene?” kunwari ay sabi ni Prince Zardoz.

National

OVP nagsagawa ng relief operations kahit lumipad pa-Germany si VP Sara

Larawan mula sa FB

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Wala namang ganyan sa original anime series! Nakakaloka kayo, GMA!"

"Vivamax yarn?"

"True, daming wala sa anime na meron dito... gaya ng nagka-crush si Steve kay Jamie."

"Another live action disappointment."

"From rated PG to rated R."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag si Doctolero tungkol dito.