Nanindigan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na hindi pinahirapan ang mga testigo sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at siyam na iba.

Sinabi ito ni Abalos matapos binawi ng ilang mga witness ang kanilang mga pahayag na nagsasangkot sa kanilang mga sarili at kay Negros Oriental 3rd Dsitrict Rep. Arnie Teves.

“The police probers conducted the investigation in accordance with the law after the witnesses in custody recanted their previous statement claiming that they were allegedly tortured to pin down Rep. Arnolfo Teves,’’ ani Abalos.

Binanggit ni Abalos na tiniyak sa kaniya ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na mayroon silang malakas na kaso laban kay Teves sa kabila ng recantation ng mga testigo.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Inamin din niyang nalaman niya na may iba pang mga kaso laban kay Teves, at sinabing tingin niya ay may kaugnayan ito sa mga nakaraang pagpatay kung saan idinawit ang mambabatas. Mayroon umanong dalawang aspeto ng ebidensya na kasangkot, ang direct evidence o testimonya ng mga testigo at circumstantial evidence na tumutukoy sa forensic results.

Ipinaliwanag rin ni Abalos na tumaas ang emosyon dahil sa dami ng mga biktima sa Degamo slay incident ngunit agad naman umanong inaresto ng pinagsanib na pwersa ng militar, pulisya at ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga suspek.

Binanggit din ng DILG chief na ang mga puwang sa Philippine National Police (PNP) ay dapat na masusing suriin upang maiwasan ang mga “bastos” na pulis na muling matanggap sa puwersa ng kapulisan.

Nag-react siya rito matapos tanungin kung ano naisip niya hinggil sa pagtanggal ng “reprojection” policy sa PNP.

Ang reprojection ay tumutukoy sa muling pagtatalaga sa ibang lugar o unit ng pulisya ng isang police personnel na inakusahan ng anumang paglabag upang mabigyan umano sila ng pagkakataong magbago.

Bumalik sa serbisyo ang na-dismiss na si Pol. Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr. at ni-relieve na si Pol. si Lt. Col. Arnulfo Ibañez sa pamamagitan ng PNP reprojection scheme.

“That's why, ang importante dito mga kababayan is to look at the gaps. For me, it’s not only about policies about reprojection, pero as a whole, the PNP,” ani Abalos.

“The gaps in the law, the gaps in the budget. Lahat ng proseso tignan. Not only the policies on reprojection but as a whole na,” dagdag niya.

Isiniwalat ni Abalos na mayroon nang PNP reprojection system nang maupo siya sa posisyon ng DILG secretary.

Matatandaang si Mayo ay isang intelligence officer ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) na nahuli noong Oktubre 2022 sa Tondo, Maynila matapos makuha ng mga awtoridad ang 990 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.7 bilyon.

Ang superior ni Mayo na si Ibañez, na dating hepe ng Special Operations Unit-National Capital Region ng PDEG, ay kalaunang sinibak sa kaniyang puwesto.

Chito Chavez