Nananatili pa rin ang 10 navigational buoys sa West Philippine Sea (WPS), ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Ito ang inihayag ni Commodore Jay Tarriela na tagapagsalita ng PCG para sa WPS.

Ayon kay Tarriela, hindi ginalaw sa kanyang puwesto ang 10 boya taliwas sa naunang ulat na inalis ang mga ito ng Chinese Maritime militia.

Pinasinungalingan ni Tarriela ang naunang ulat ng Chinese news agencies na nagsasabing inalis ng mga Chinese “fishermen” ang mga boya na inilagay sa Kalayaan Island Group na nasa loob ng 220-nautical-mile exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

National

‘Life-threatening conditions’ nagpapatuloy sa ilang bahagi ng Luzon dahil kay Marce – PAGASA

“Under the protection of Chinese coast guard boats, Chinese fishermen fished out all the buoys deployed by the Philippines, which made the Philippine coast guard feel angry and helpless,” nakasaad sa May 18 report mula Sohu.com, isang kumpanya na nakabase sa Beijing.

Tumaas ang tensyon noong huling bahagi ng Mayo matapos parehong maglagay ng ilang navigational buoys ang Pilipinas at China sa pinag-aagawang karagata