Idineklara na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng tag-ulan sa bansa nitong Biyernes, Hunyo 2.

Ayon sa PAGASA, nagdulot ng malawakang pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas ang pagkakaroon ng mga kalat-kalat na thunderstorms, pagdaan ng Super Typhoon (STY) "BETTY" at ang Southwest Monsoon (Habagat) nitong mga nakaraang araw.

“[It] signifies the start of the rainy season in the country, especially over the Climate Type I areas. However, breaks in rainfall events (also known as monsoon breaks) may occur, which can last for several days or weeks,” anang PAGASA.

“Furthermore, a transition from ENSO-neutral to El Niño is favored in the next couple of months, with a higher chance of El Niño persisting up to the first quarter of 2024,” dagdag nito.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Pinapataas umano ng El Niño ang posibilidad ng mas mababa sa normal na kondisyon ng pag-ulan, na maaaring magdulot ng mga negatibong epekto, tulad ng tagtuyot, sa ilang lugar sa bansa.

Gayunpaman, ayon sa PAGASA, maaari ding asahan ang enhanced Southwest monsoon season o Habagat na maaaring magresulta sa higit sa normal na kondisyon ng pag-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa.