Napasama ang sorbetes at halo-halo sa 50 Best Rated Frozen Desserts sa buong mundo, ayon sa Taste Atlas, isang kilalang online food guide.

Sa inilabas na Facebook post ng Taste Atlas, naging panlima ang sorbertes matapos itong makakuha ng 4.5 score.

Inilarawan ng nasabing online food guide sa kanilang website ang sorbetes bilang isang sikat na Filipino ice cream na may flavor tulad ng mangga, tsokolate, keso, niyog, at ube.

“Traditionally, it is produced from carabao milk and served in tiny scoops on sugar cones. Some Filipinos like to consume it sandwiched between bread buns, like a hamburger,” anang Taste Atlas.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Although it sounds similar to a sorbet, coming from the Spanish sorbete, it is not a sorbet, but a dirty ice cream, as the locals jokingly call it due to the fact that it is sold along polluted streets. Sorbetes can usually be found at numerous street carts throughout the Philippines,” dagdag nito.

Samantala, naging top 43 naman umano ang halo-halo matapos itong makatanggap ng 3.8 score.

“The refreshing halo-halo (lit. mix-mix) is a summer dessert or a snack of mixed fruit and beans, topped with finely crushed ice and either milk or ice cream,” paglalarawan naman ng Taste Atlas sa halo-halo.

Ilan umano sa mga pinaka karaniwang sangkap ng halo-halo ay ang saging, langka, niyog, kamote, munggo, sugar palm fruit, ube, leche flan, at sweet corn o corn crisps.

“Originally, halo-halo desserts were sold by Japanese vendors in halo-halo parlors or at numerous street stalls before the occupation of the Philippines in the 1940s. In fact, this Filipino specialty is often said to have been inspired by a shaved-ice cooler called anmitsu, another Japanese summer drink,” saad ng Taste Atlas.

Kamakailan lamang ay ipinahayag ng Taste Atlas na pitong pagkaing Pinoy ang napasama sa kanilang listahan ng 100 Best Rated Pork Dishes sa buong mundo.

MAKI-BALITA: 7 Pinoy foods, kasama sa ‘100 Best Rated Pork Dishes in the World’