Pinaigting pa ng pamahalaan ang pagtugis sa dating hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Gerald Bantag.

Ito ang inihayag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla dahil namataan umano ito sa norte kamakailan.

Dati nang inihayag ni Remulla na nagpadala ng surrender feelers si Bantag sa isa rin sa miyembro ng Gabinete nitong Abril.

Hindi na isinapubliko ni Remulla ang pangalan ng kasamahan nito sa Gabinete.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nitong Abril, naglabas ng warrant of arrest ang Las Piñas City Regional Trial Court laban kay Bantag, sa dating deputy nito na si Ricardo Zulueta at sa tatlong iba pa kaugnay sa pagpatay kay Percival "Percy Lapid" Mabasa sa naturang lungsod noong Oktubre 3, 2023.

Isa ring warrant of arrest ang inilabas ng Muntinlupa Regional Trial Court laban kina Bantag at Zulueta sa kasong murder dahil naman sa pagkakadawit sa pagpaslang umano'y "middleman" sa pagpatay kay Mabasa na si Cristito "Jun" Villamor sa loob ng National Bilibid Prison noong Oktubre 18.