Bibigyan ng hanggang ₱15,000 ang mahihirap na Pinoy na naghahanap ng trabaho, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Paliwanag ni DSWD Assistant Secretary, Spokesperson Rommel Lopez, ipagkakaloob ang nasabing halaga sa
ilalim ng sustainable livelihood program ng ahensya.
Katuwang ng DSWD sa naturang programa ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
"Kapag outright po may trabaho na kayo, kailangan n'yo lang ng mga pang-process ng mga dokumento sa mga first time job applicant," sabi ng opisyal.
Aniya, kung walang-wala ang aplikante, pagkakalooban ng ₱5,000. "Pero dun po sa magnanais na maghanap ng trabaho at nais magdagdag ng skills, tutulungan po kayong bigyan ng TESDA ng karagdagang skills ninyo, kasama po 'yan sa ₱15,000 na matatanggap ninyo," paglilinaw pa ni Lopez.