Inilikas ng pamahalaan ang halos 500 na pamilya sa Iloilo City kasunod na rin ng matinding pag-ulan at pagbaha dulot ng southwest monsoon nitong Huwebes ng hapon.

Sa pahayag ni Charles Vincent Samodio, team leader ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO)-Emergency Operations Center (EOC), kaagad nilang dinala sa mga evacuation center ang nasa 477 pamilya nang lubugin ng baha ang lungsod.

Nakaranas aniya ng matinding pagbaha ang 11 sa 50 na barangay kung saan galing ang mga nailikas.

Kabilang din sa mga binaha ang Jaro, Mandurriao, City Proper, Lapuz, La Paz, Molo at Arevalo District.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

"We are closely monitoring Brgy. Calubihan in Jaro because of the possible rise in the water level at the Dungon Creek,” aniya.

Kaagad namang sinuspindi ni City Mayor Jerry Treñas, ang face-to-face classes mula Kindergarten hanggang Senior High School para na rin sa kapakanan ng mga mag-aaral.

Philippine News Agency