Labing-anim pang panibagong kaso ng Omicron subvariant XBB.1.16 o "Arcturus" ang naitala ng Department of Health (DOH) kamakailan.

Sa datos ng DOH, umabot na sa 44 ang bilang ng kaso ng "Arcturus" sa bansa.

Sa Covid-19 biosurveillance report ng DOH, na-detect ang mga bagong kaso nito sa Western Visayas.

Dati nang nagbabala ang DOH sa publiko na kayang labanan ng "Arcturus" ang immunity dahil mas nakahahawa ito kumpara sa mga nakaraang variant.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Kamakailan, kinumpirma ng ahensya na tumataas ang bilang ng kaso sa bansa dahil sa local transmission.

Paglilinaw pa ng DOH, ang mga kaso nito sa Pilipinas ay walang kaugnayan sa naitalang hawaan nito sa ibang bansa.