Naglabas ng mahigpit na babala nitong Biyernes, Hunyo 2, si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos, Jr., na magpapatupad ito ng random drug testing sa mga attached agency nito.

Isasama rin ni Abalos sa hakbang nito ang mga local government unit na nasa ilalim ng pangangasiwa ng DILG.

Binanggit ni Abalos na ang mga nagpopositibo sa ipinagbabawal na gamot posibleng matanggal sa serbisyo bagama't iginiit niyang dadaan ito sa due process.

“May random drug test talaga sa gobyerno. Dapat talagang magkaroon ng random drug testing at tayo sa DILG, ipapatupad natin ito dahil ito ay napakahalaga,'' banggit ni Abalos matapos dumalo sa DILG BIDA Sports and Cultural fest grand opening ceremony sa Camp Crame, Quezon City nitong Biyernes.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'