Muling nanguna ang Ateneo de Manila University sa mga unibersidad sa Pilipinas na nakapasok sa listahan ng 2023 Times Higher Education (THE) Impact Rankings na inilabas nitong Huwebes, Hunyo 1.
Sa ulat ng THE, sa ikatlong magkakasunod na taon, muling nanguna ang Ateneo sa bansa matapos makakuha ng 79.1 out of 100 score at napabilang sa top 201 hanggang 300.
Sinundan naman ang Ateneo ng De La Salle University at University of the Philippines na kapwa nasa 401 hanggang 600 bracket.
Kasama rin sa listahan ng THE ang mga sumusunod na unibersidad sa Pilipinas:
- Batangas State University (601-800)
- Leyte Normal University (601-800)
- Mariano Marcos State University (601-800)
- University of Santo Tomas (601-800)
- Tarlac Agricultural University (601-800)
- Central Luzon State University (801-1000)
- Mapúa University (801-1000)
- Philippine Normal University (801-1000)
- Saint Louis University (801-1000)
- Benguet State University (1001+)
- Bulacan State University (1001+)
- Cebu Technological University (1001+)
- Central Bicol State University of Agriculture (1001+)
- Central Philippine University (1001+)
- Central Philippines State University (1001+)
- University of Eastern Philippines (1001+)
- Isabela State University (1001+)
- Lyceum-Northwestern University (1001+)
- Mindanao State University-Iligan Institute of Technology (1001+)
- Nueva Ecija University of Science and Technology (1001+)
- San Beda University (1001+)
- University of San Carlos (1001+)
- University of Science and Technology of Southern Philippines (1001+)
- Southern Leyte State University (1001+)
- St. Paul University (1001+)
- Visayas State University (1001+)
Ang Impact Rankings ay isa umanong taunang pagtataya ng mga unibersidad sa buong mundo pagdating sa Sustainable Development Goals (SDGs) ng United Nations (UN).
“We use carefully calibrated indicators to provide comprehensive and balanced comparison across four broad areas: research, stewardship, outreach and teaching,” anang THE.
Sinusukat umano nito ang nasa 1,591 unibersidad mula sa 112 bansa at rehiyon.